๐— ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฟ๐—ด๐˜†. ๐—–๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐—ผ๐—น๐—ธ๐˜€ ๐— ๐˜‚๐—น๐˜๐—ถ-๐—ฃ๐˜‚๐—ฟ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ

By: Geraldine B. Salazar-Lucero, PIO | Photos By: Sonny Buenaventura, PIO | Date: August 7, 2022


Magandang balita at bagong pag-asa ang ipinamahagi ni Gov. Raphaelle Veronica "Rafy" Ortega-David sa mahigit 150 na kaprobinsiaang mangingisda ng Barangay Canaoay, City of San Fernando, La Union nang pangunahan niya ang Groundbreaking Ceremony ng ipapatayong Fisherfolks Multi-Purpose Center sa nasabing barangay noong ika-7 ng Agosto, 2022.

Ang ipapatayong multi-purpose center ay magagamit para sa iba't-ibang aktibidad ng mga nasa sektor ng pangingisda na naglalayong matulungan ang mga ito maging ng kanilang mga pamilya sa kanilang pangkabuhayan.

Bilang malapit sa puso nila Board Member Geraldine "Deny" Ortega at Board Member Joy Ortega ang mga mangingisda sa Brgy. Canaoay, dinaluhan din nila ang groundbreaking ceremony bilang pagpapakita ng suporta sa kanilang mga ka-barangay. Nagbigay din sila ng mga mensahe ng pasasalamat sa kanilang mga ambag sa lokal na ekonomiya ng probinsya.

Samantala, ipinahayag din ni Gov. Rafy ang kanyang kagalakan para sa mga mangingisda ng Brgy. Canaoay, ganun din ang kanyang pasasalamat sa kanilang pakikiisa sa mithiin ng Pamahalaang Panlalawigan na maging Heart of the Agri-Tourism in Northern Luzon ang probinsya ng La Union sa taong 2025.

"Saludo ako sa inyo dahil sa napakalaking ambag ninyo sa bayan lalo na sa ekonomiya sa kabila ng mga suliraning ating kinakaharap. Dahil dito ay mas ginaganahan ako na bumuo at magsulong ng mga programa na mag-aangat sa inyong sector." mensahe ni Gov. Rafy.

Walang sawang pasasalamat naman ang isinukli ng mga mangingisda sa ipapatayong multi-purpose center at sa grocery packages na ipinamahagi nila Gov. Rafy, BM Deny at BM Joy pagkatapos ng groundbreaking ceremony.

Sa patuloy na pagsulong ng P.U.S.O. Agenda ni Gov. Rafy, isa-isang mabibigyang pansin at tulong ang lahat ng mga sektor ng lipunan sa probinsya ng La Union. Ito ay possible sa patuloy na pakikipag-#PROBINSYAnihan ng lahat para makamit ang #StrongerLaUnion.

Related Photos:

Recent Posts