๐—Ÿ๐—ฎ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—ฃ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ž๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ

By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: Rowell B. Timoteo, GPC-PESO | Date: October 22, 2022


Patuloy na pinagtitibay ng La Union ang pagsulong ng inklusibo at mayabong na kultura ng probinsya, sinuportahan ng Provincial Government of La Union (PGLU) ang pagbubukas ng Pilak: 2022 Photo Exhibit ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Region 1 noong Oktubre 22, 2022 sa Robinsons La Union, City of San Fernando, La Union.

Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Indigenous Peoples (IP) Month at ng selebrasyon ng ika-25 na anibersaryo ng pagkakalagda ng Republic Act No. 8371 o ang Indigenous Peoples Rights Act of 1997 ito ay inorganisa ng NCIP sa pangunguna ni Regional Director Atty. Harriet Abyadang.

Tampok sa exhibit ang iba't ibang larawan ng pamumuhay ng IP communities sa Pilipinas at kasama na rin ang mga programang handog sa kanila ng NCIP. Ito ay bahagi ng Proyektong Epanaw Phase II The Journey of the Indigenous Peoples ng NCIP. Ang pagbubukas ng photo exhibits ay sabay sabay na isinagawa sa iba't ibang rehiyon ng bansa.

Sa mensahe ni Gov. Raphaelle Veronica "Rafy" Ortega-David na ibinahagi ni Executive Assistant Justo Orros III, inihayag niya ang kahalagahan ng mga larawan upang mapanatili ang kultura para sa susunod na salinlahi at sinabing, "Ang PGLU po ay kasangga ng mga IPs sa patuloy na pangangalaga ng mga nakagisnan na tradisyon upang pagtibayin pa ang pagkakakilanlan patungkol sa kanilang komunidad...Asahan niyo po na kasama kami sa pagpapatibay ng mga karapatan at oportunidad para sa mga Indigenous Peoples.

Dumalo rin sa programa si PGLU Consultant on IP Affairs Mixiko Iryne Dulay; Ethnographic Commissioner ng Region 1 at Cordillera Administrative Region Gaspar Cayat; Department of Science and Technology Regional Director Armando Ganal; National Intelligence Coordinating Unit Regional Director Mildred Abordo; Department of Trade and Industry Regional Director Grace Baluyan at City Government of San Fernando Corporate Relations Officer Michael Jerome Mabanag na kumatawan kay Mayor Hermenegildo Gualberto; at mga IP leaders at IPs na kumakatawan sa iba't ibang Indigenous Cultural Communities.

Inaanyayahan ang mga kaprobinsiaan na bumisita sa photo exhibit na bukas sa publiko hanggang Oktubre 31, 2022 at makikita sa 4th Floor, Robinsons La Union, City of San Fernando, La Union.

Related Photos:

Recent Posts