๐—Ÿ๐—ฎ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ผ๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ถ #๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—›; ๐——๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ป๐—ถ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ. ๐—ฅ๐—ฎ๐—ณ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐˜‚๐—ด๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—š๐—จ๐˜€

By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: PIO, PDRRMO | Date: September 25, 2022


Nagbigay na ng direktiba si Gov. Raphaelle Veronica โ€œRafyโ€ Ortega-David sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at sa Response Cluster ng Provincial Government of La Union (PGLU) na ihanda ang lahat ng available resources na kakailanganin sa kahandaan at pagresponde sa Super Typhoon #KardingPH ng Probinsya ng La Union ngayong araw, Setyembre 25, 2022.

Nagsimula ang paghahanda ng PGLU kahapon, Setyembre 24, 2022 matapos maideklara ang Red Alert sa bansa. Agad na nagsawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ang Provincial Emergency Operation Center upang pag usapan ang mga paghahanda sa Super Typhoon #KardingPH, kaakibat din ang lagiang mga Operations Briefings ng PDRRMO kung saan patuloy ang pagmomonitor sa Super Typhoon at pagtalaga ng mga assignments.

Sa isinagawang PDRA ng PGLU sa mga LGUs ngayong araw, lahat ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMOs) at Barangay DRRMOs ay nakahanda na sa kanilang basic preparedness measures; mga sasakyang pang-rescue; personnel on duty; rescue equipment; food and non-food items; at evacuation centers.

Sa kasalukuyan, tanging ang Bayan ng Bangar ang mayroong pre-emptive evacuees kung saan mayroong 54 na katao o 22 na pamilya na nasa evacuation center.

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga kaprobinsiaan, inilabas ni Gov. Rafy ang Executive Order No. 23, series of 2022 na nagsususpinde ng klase at trabaho sa mga pampublikong institusyon.

Patuloy ng ipinapaalala ni Gov. Rafy at ng PGLU sa bawat kaprobinsiaan na manatiling #AlertoKaprobinsiaan at kung sakaling mayroong sakuna, itawag lamang sa La Union Rescue 911 o sa mobile number 0998-561-1519.

Related Photos:

Recent Posts