𝗛𝗔𝗠𝗒𝗑 π—‘π—š π—£π—”π— π—”π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”, π—§π—œπ—‘π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š π—’π—£π—œπ—¦π—¬π—”π—Ÿπ—˜π—¦ π—‘π—š 𝗦𝗔𝗑 π—šπ—”π—•π—₯π—œπ—˜π—Ÿ

By: Shairalene B. Guerrero | Photos By: Provincial Information Office | Date: June 29, 2022


Nanumpa na sa tungkulin si Lany Carbonell bilang akalde ng municipalidad ng San Gabriel, La Union noong ika-29 ng Hunyo 2022. Kasabay niyang nanumpa si Romolita Guinomma bilang bise-alkalde kasabay rin ang mga konsehal na sina, Mario Aligo, Jerry Fernandez, Geoffrey Awingan, Mardo Bang-oa, Isagani Dumaoang, Mauricio Canutab, Dominador Abuan at Danilo Elias Jr. Ang mga nabanggit na opisyales ay nanumpa sa harap ni Outgoing Governor Francisco Emmanuel β€œPacoy” R. Ortega III.

Saksi naman sa panunumpa ng mga opisyales sina incoming Governor Rafy Ortega-David, outgoing Congressman Pablo Ortega at newly-elected Congressman Paolo Ortega ng Unang Distrito ng La Union.

Samantala, binigyang-diin ni Gov. Rafy na ang bagong henerasyon ang bagong pag-asa ng bayan. β€œThis will pave the way for the new breed of leaders ng probinsya ng La Union, to finally step up and to bring new ideas para po sa inyong lahat” saad niya. Gayundin, ipinagmalaki niya na kayang-kaya ng mga kababaihan ang makipagsabayan.

Sa bawat nahalal na lider sa iba’-ibang bayan ng La Union, namumukadkad ang pag-asa at pagkakaisa. Sa matibay na samahan sa 20 component LGUs sa probinsya ng La Union, maigpapatuloy ang pagbuo ng isang #StrongerLaUnion, a province worth living in.

Recent Posts