๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฐ๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐Ÿต ๐—ข๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐˜€, ๐—ฃ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜†-๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ผ๐—ฎ๐—ป

By: Shairalene B. Guerrero, PIO | Photos By: Provincial Information Office | Date: July 27, 2022


Tuloy-tuloy ang aksyon at progreso sa bayan ng Balaoan, La Union kasunod na manumpa sa tungkulin ang kanilang alkalkde na si Mayor Aleli Concepcion noong ika-27 ng Hunyo, 2022 sa Farmerโ€™s Civic Center, Balaoan La Union.

Kasama ring nanumpa ang Bise Alkalde Carlo Concepcion kasabay ang mga konsehal na sina, Danilo Concepcion, Rogelio Concepcion, Cecilia Detran, Cesar Ostrea, Rogelio Opinaldo, Aristedes Marron, Herminia Ordinario at Rosie Is-Isa.

Saksi sa oath taking ceremony ang bagong gobernador ng La Union na si Rafy Ortega-David kasama sina outgoing Congressman Pablo Ortega at newly-elected Congressman Paolo Ortega ng Unang Distrito ng La Union.

Sa panunumpa ng tungkulin ng mga opisyales, kaakibat ang pag-asa at tuloy-tuloy na pagkakaisa ng bawat Kaprobinsiaan sa nasabing bayan. Gayundin, sa pagpapaigting ng aksyon para sa pag-angat ng bawat kabuhayan ng mamamayan, makakamit ang mas pinaunlad na #StrongerLaUnion kung saan ang lahat ay magkakasamaโ€™t nagkakaisa.

Recent Posts