๐๐ฎ ๐จ๐ป๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ผ๐๐ถ๐ฏ๐น๐ฒ๐ป๐ด ๐๐ฝ๐ฒ๐ธ๐๐ผ ๐ป๐ถ #๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ด๐ฃ๐; ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ๐ธ๐๐ถ๐ฏ๐ฎ ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐. ๐ฅ๐ฎ๐ณ๐ ๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ด๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐จ๐
By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: PIO, PDRRMO | Date: September 25, 2022
Nagbigay na ng direktiba si Gov. Raphaelle Veronica โRafyโ Ortega-David sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at sa Response Cluster ng Provincial Government of La Union (PGLU) na ihanda ang lahat ng available resources na kakailanganin sa kahandaan at pagresponde sa Super Typhoon #KardingPH ng Probinsya ng La Union ngayong araw, Setyembre 25, 2022.
Nagsimula ang paghahanda ng PGLU kahapon, Setyembre 24, 2022 matapos maideklara ang Red Alert sa bansa. Agad na nagsawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ang Provincial Emergency Operation Center upang pag usapan ang mga paghahanda sa Super Typhoon #KardingPH, kaakibat din ang lagiang mga Operations Briefings ng PDRRMO kung saan patuloy ang pagmomonitor sa Super Typhoon at pagtalaga ng mga assignments.
Sa isinagawang PDRA ng PGLU sa mga LGUs ngayong araw, lahat ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMOs) at Barangay DRRMOs ay nakahanda na sa kanilang basic preparedness measures; mga sasakyang pang-rescue; personnel on duty; rescue equipment; food and non-food items; at evacuation centers.
Sa kasalukuyan, tanging ang Bayan ng Bangar ang mayroong pre-emptive evacuees kung saan mayroong 54 na katao o 22 na pamilya na nasa evacuation center.
Upang masiguro ang kaligtasan ng mga kaprobinsiaan, inilabas ni Gov. Rafy ang Executive Order No. 23, series of 2022 na nagsususpinde ng klase at trabaho sa mga pampublikong institusyon.
Patuloy ng ipinapaalala ni Gov. Rafy at ng PGLU sa bawat kaprobinsiaan na manatiling #AlertoKaprobinsiaan at kung sakaling mayroong sakuna, itawag lamang sa La Union Rescue 911 o sa mobile number 0998-561-1519.
Related Photos:
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU) has completed and turned over three major school infrastructure projects in three municipalities …
The Provincial Government of La Union (PGLU), in partnership with the Department of Agriculture (DA-RFO1), concluded the Provincial Rice Technology …
Rocaporโs Farm is an agri-tourism site in La Union that has a learning institution and uplifts the local community.
In line with the provinceโs hosting of the 2025 Region 1 Athletic Association (R1AA), the Provincial Government of La Union …
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …