๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฝ๐—ผ๐—ฝ, ๐—ง๐—ถ๐—ธ๐—ง๐—ผ๐—ธ, ๐—–๐—ผ๐˜€๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜

By: John Elysar Martin, PIO | Photos By: PIO | Date: December 17, 2022


Bumida ang mga talento at pagkamalikhain ng mga Kaprobinsiaan sa ginanap na Kpop, Tiktok at Cosplay Night sa Provincial Capitol Grounds noong ika-17 ng Disyembre.

Napuno ng saya ang pag-uumpisa ng programa sa ipinakitang comedy act ng mga hosts na sina Adele Diva, Clara Mystica at Amazing Fiona.

Bahagi ng programa ang Kpop dance contest kung saan hindi nagpahuli sa pag-indak at paghataw ang ibaโ€™t-ibang mga grupo sabay sa saliw ng mga Kpop songs.

Ibinida naman sa entablado ng mga teen at adult cosplayers ang kani-kanilang mga makukulay at nakakabighaning mga costumes na hango sa kani-kanilang iniidolong anime characters.

Kinagiliwan at ikinatuwa ng mga manonood ang lahat ng mga magagandang palabas.

Sa Cosplay Adults Category, nakuha ni Mark Rullan ang ikatlong pwesto habang nasa ikalawang pwesto naman si Ruby Jane Balanco at nasungkit ni Ramses Jay Aquino ang unang pwesto. Sa Cosplay Teen Category naman, nasa ikatlong pwesto si Shaw Jucar habang nasungkit naman ni Lawrenz Tacadena ang ikalawang pwesto at nakuha naman ni Margarette Angel Urbiztondo ang unang pwesto.

Sa TikTok Video Contest, nasungkit ni Christopher Adan ang Governorโ€™s Choice habang Most Liked Video at tinanghal rin bilang 1st place si John Kirby Savellano. Nasungkit naman ni Marvin Boncato ng Modern Vibes Elyu ang ikatlong pwesto habang nakuha naman ni Mark Anthony Cortez ang ikalawang pwesto.

Sa Kpop Dance Competition naman, nasungkit ng Pink Secret ang ikatlong pwesto habang nasa ikalawang pwesto naman ang Passion. Nakuha ng Kpop Sneezy ang kampeonato sa nasabing kompetisyon.

Nagtapos ang masayang programa sa isang makulay na Fireworks Display at Snow Show.

Sa ngalan ng #LaUnionPROBINSYAnihan, layunin ng PGLU sa pangunguna ni Gov. Raphaelle Veronica Ortega-David na iparamdam ang Pasko sa mga Kaprobinsiaan sa pamamagitan ng mga ganitong programa na nagpapahalaga sa talento at naghahatid ng pag-asa at ligaya sa bawat isa.

Related Photos:

Recent Posts