๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ป, ๐—œ๐—ป๐—ธ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—•๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฆ๐—ž๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฎ, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ฆ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด

By: Geraldine B. Salazar-Lucero | Photos By: PIO | Date: December 9-10, 2022


Cravings satisfied, busog na mga mata, masasayang puso. Ganyan inilarawan ng mga kaprobinsiaan ang kanilang mga nararamdaman nang dumalo at nakisaya sila sa inihandang pamasko ng Provincial Government of La Union - Economic Dynamism and Competitiveness Sector noong December 9-10, 2022.

Busog na busog at talaga namang hindi nagpaawat ang mga kaprobinsiaan sa pagpila at pagkain ng paborito nilang lechon sa isinagawang Lechon Festival noong December 9 kung saan tampok ang mga sari-saring klase nito gaya ng manok, baboy, baka at kambing. Marami din ang nacurious at tumikim ng lechon rabbit lalo pa't unti-unti na ring lumalago ang rabbit meat industry sa La Union.

Amoy na amoy din ang masarap na simoy ng kapaskuhan sa Capitol Grounds sa isinagawang Inkiwar Contest na pinangunahan ng La Union Provincial Tourism Office. Walong mga kaprobinsiaan mula sa iba't-ibang bayan sa La Union ang nagpakitang gilas at nagluto ng kanilang mga signature inkiwar recipes. Panalong panalo sa panlasa ng mga judges ang lahat ng mga luto ng mga kalahok ngunit umangat sa lahat ang mga inkiwar dishes ng mga winners na sina Marilyn Natividad, Danmarloey Libed at Monette Garcia.

Personal na ibinahagi ni Gov. Raphaelle Veronica "Rafy" Ortega-David ang kanyang pagbati at premyo sa mga kalahok ng nasabing cooking contest. Matapos nito ay nakitikim na din si Gov. Rafy sa kanilang mga inkiwar.
Binalot naman ng kilig at pagmamahal ang buong kapitolyo nang tumugtog ang Music of the Heart Pop Orchestra. Ang kanilang special live performance ang nagpagana sa mga kaprobinsiaan habang kumakain ng masasarap na lechon at inkiwar sa kapitolyo.

Nagpaunlak din ng intermission number ang mga kabataang dance performers ng Uddang Dance Troupe mula sa Don Mariano Marcos Memorial State University.

Galing ng kaprobinsiaan sa Sining at Pagkanta naman ang naging tampok sa ginanap na Arts and Music Festival noong December 10. Ipinamalas ng mg mga kabataang La Union artists ang kanilang mga sariling art style sa Acrylic Painting Competition at Street Chalk Art Competition.

Sa 20 na kalahok sa Acrylic Painting Competition, namukod tangi ang mga obra ni James Gaetos na sinundan ng mga gawa ng artists na sina Ralph Gabriel Gane at Avhey Franco. Sina Carlos Miguel Castillo, Ma. Jaellynor Martinez at Mavel Domingo naman ang nagwagi sa Street Chalk Art Competition.

Samantala, bilang pagpupugay kay Gov. Rafy, iginuhit ng sikat na vlogger at street chalk artist ng Arteya Studio ang portrait ni Gov. Rafy. Personal ding nagpasalamat at naki-pictiure ang gobernadora sa artist na si Arteya Studio.

Iginawad na din sa gabing iyon ang mga nanalo sa Ayat Song Writing Competition. Nasungkit nila Rolando Mallari at Mark Greg Nisperos ang kampeonato sa kanilang kantang โ€œSika, La Unionโ€. Sinundan ito ng grupo ng D'LU.Kaliest sa kanilang kantang โ€œAyan Mon Ayaโ€ at ni Nedel Nixxie Lorraine Libundo at ng kantang โ€œIlokanoakโ€. Nagkaroon din sila ng pagkakataon na iparinig ang kanilang mga napakagagandang kanta sa buong kapitolyo.

Tuwang tuwa din ang mga namamasyal sa pailaw ng kapitolyo dahil game na game na naki-picture at nakipagkulitan sakanila ang mga sikat na mime artist ng Session Road, Baguio City na pinangunahan ng kinagigiliwan ng lahat na si Green Soldier.

Inabangan din ng lahat ang snow show at fireworks display na sinabayan ng performance ng sikat na banda mula sa La Union, ang Purple Hale.

Tunay ngang sa La Union, kitang-kita at damang-dama ang patuloy na pakikipag #LaUnionPROBINSYAnihan ng bawat isa lalo na sa pagpapahalaga sa mga tradisyong nakagawian maging sa pagpapahalaga sa sining ng mga kaprobinsiaan. Ang lahat ng ito, sa ngalan ng masaya at mapayapang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa patuloy na pagkamit sa mithiing maging Heart of Agri-Tourism in Northern Luzon ang La Union sa 2025.

Related Photos:

Recent Posts