Kaalaman sa Probinsya, Pagpapayabong sa Pagbasa Ibinida sa La Union BASAnihan
By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: Provincial Information Office | Date: March 15, 2023
Nagpakita ng #LaUnionPROBINSYAnihan ang mga opisyal ng probinsya ng La Union, mga alkalde, mga kinatawan ng Department of Education La Union Schools Division Office (DepED-LUSDO), Provincial School Board, at mga Department Heads at manggagawa sa Provincial Government of La Union (PGLU) upang maghandog ng isang kapanapanabik na aktibidad sa mga paaralan, ang La Union Basanihan ngayong araw, Marso 15, 2023 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ayat Fest 2023 The 173rd La Union Founding Anniversary.
Ang sabayang pagbasa o BASAnihan ay nagsilbing suporta ng PGLU sa programa sa pagbasa ng DepED-LUSDO sa tulong ng Provincial School Board upang mapalawig pa ang tatas at pang-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa La Union. Bukod dito ay makakatulong din ito upang mapagyaman ang pagkakakilanlan ng La Union alinsunod sa Iloko Code.
Halos 3,000 na mag-aaral ng ika-apat na baitang sa 20 na piling mga paaralan ng La Union ang aktibong nakibahagi sa BASAnihan. Ang โABCs of the La Union Historyโ ang nagsilbing reading material sa aktibidad kung saan mayroong 25 na kaalaman ukol sa kasaysayan ng La Union ang natutunan ng mga mag-aaral.
โNag-enjoy ko po kami sa pagbabasa tapos may natutunan po sa history ng La Unionโฆmas interesting po kasi hindi naging boring at nakakaantok yung pagbabasa, sana may susunod pang BASAnihan,โ pagbabahagi ni Seanelle Briana Lychee W. Niro, isa sa mga mag-aaral na nakibahagi sa programa.
Inanyayahan naman ni Gov. Raphaelle Veronica โRafyโ Ortega-David ang lahat na makibahagi sa PROBINSYAnihan para magdala ng tuluy tuloy na pagmamahal at saya sa pagbabasa sa mga bata. Pagpapatuloy nito, โThis program is another testament of our joint effort to improve literacy through combined efforts of the government and the academe.โ
Ang PGLU ay patuloy na magsisilbing kaagapay ng Kagawaran ng Edukasyon para sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at antas ng kaalaman sa buong probinsya.
Related Photos:
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU), under the leadership of Governor Raphaelle Veronica โRafyโ Ortega-David, through the Provincial Government-Environment …
The Provincial Government of La Union (PGLU), through the Provincial Health Office (PHO), honored the vital contributions of barangay health …
A historic event will unfold within the hallowed grounds of The Minor Basilica and Diocesan Shrine of Our Lady of …
In a joint effort to boost emergency preparedness among healthcare personnel, the Naguilian District Hospital (NDH) successfully conducted a four-day …
Following the acceptance of the Province of La Union of the first batch of Moderna Vaccine comprised of 100 vials …