Cash Incentives ng mga Lolo, Lola sa La Union Ipinamahagi na; Mga Benepisyaryo Lubos ang Pasasalamat
By: Zenaida D. Sellem, GPC-PSWDO | Photos By: Provincial Information Office | Date: February 2, 2023
Mga ngiting puno ng pasasalamat at mga kwentong kapupulutan ng inspirasyon ang ipinabaon ng mga lolo at lolang nanogenarians kay Gov. Raphaelle Veronica โRafyโ Ortega-David nang personal niyang binisita at ipinamahagi ang kanilang mga cash incentives na nagkakahalaga ng P25,000 noong February 2, 2023.
Sa pangunguna ni Gov. Rafy, sinimulan na ng Provincial Government of La Union (PGLU) at ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ang pamamahagi ng mga cash incentives sa limangpung nanogenarians mula sa San Fernando City at Aringay, La Union.
Ang nasabing pamamahagi ng cash incentives sa mga nanogenarian senior citizens ay alinsunod sa Provincial Ordinance No. 381-2022 o Octogenarian, Nonagenarian and Centenarian Benefit Ordinance of the Province of La Union.
Ayon sa nasabing ordinansa na akda ni Cong. Francisco Paolo P. Ortega V, makakatanggap ng P25,000 ang mga kaprobinsiaang centenarian (100 taong gulang); P10,000.00 naman para sa mga 95-99 taong gulang; at tig P5,000 sa mga kaprobinsiaang 90-94 taong gulang, 80-89 taong gulang, at 80-84 taong gulang. Ito ang naging basehan ng PGLU upang makatanggap ang mga kaprobinsiaang 94-99 taong gulang ng kabuuang P25,000.
Maliban sa pamamahagi ni Gov. Rafy ng benepisyo sa mga lolo at lola ng La Union, nakipagkwentuhan din ang gobernadora at nagiwan ng mga personal na mensahe para sa kanila.
Samantala, patuloy ang pamamahagi ng PGLU-PSWDO ng mga cash assistance sa mga octogenarian, nonagenarian at centenarian sa mga naturang bayan. Nakatakda din ang iskedyul sa iba pang mga Local Government Units pagkakumpleto ng mga isinumiteng dokumento ng kanilang mga benepisyaryo.
Para sa mga karagdagang katanungan maaaring makipag-ugnayan sa PSWDO o sa mga Municipal/City Social Welfare and Development Office.
Related Photos:
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU) has completed and turned over three major school infrastructure projects in three municipalities …
The Provincial Government of La Union (PGLU), in partnership with the Department of Agriculture (DA-RFO1), concluded the Provincial Rice Technology …
Rocaporโs Farm is an agri-tourism site in La Union that has a learning institution and uplifts the local community.
In line with the provinceโs hosting of the 2025 Region 1 Athletic Association (R1AA), the Provincial Government of La Union …
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …