Weather Update Tropical Storm #KristinePH as of October 25, 2024, 11:00AM


📣 Weather Update on Tropical Storm #KristinePH as of October 25, 2024, 11:00 AM
Naibaba na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang buong La Union. Ang sentro ng bagyong #KristinePH ay nasa 125km west northwest ng Bacnotan, La Union kaya tayo po ay nakakaranas ng mas malalakas na ulan at hangin. Ang bagyo ay kasalukuyang kumikilos pa-west northwest sa bilis na 15km/h.
May naka taas ding storm surge advisory sa dalampasigan ng La Union kaya pinapayuhan ang mga nakatira malapit sa dagat na lumikas muna para sa inyong kaligtasan. Ang PGLU po ay naka full emergency alert upang magbigay ng tulong sa mga kaPROBINSYAnihan natin apektado ng bagyo.
Tumawag sa emergency hotline 911 o La Union Rescue mobile 0998-961-1519 para sa anumang emergency.
#AlertoKaPROBINSYAnihan

Recent Posts