Weather Update on Super Typhoon #PepitoPH as of November 17, 2024, 5:00 PM


📣 Weather Update on Super Typhoon #PepitoPH as of November 17, 2024, 5:00 PM
Nananatiling nakataas ang 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗮𝗹 𝗡𝗼. 𝟰 sa 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻.
Namataan ang sentro ng bagyo sa Nagtipunan, Quezon. Gumagalaw ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 25 km/h.
Bahagyang lumakas ang ulan at hangin sa pangkalahatang bahagi ng La Union. Inaasahan ang paglakas pa nito sa susunod na mga oras.
Inaabisuhan ang lahat na maghanda sa epekto ng Super Typhoon #PepitoPH. Umantabay lamang sa mga anunsyo ng Provincial Government of La Union at DOST-PAGASA para sa updates tungkol sa bagyo.
Manatiling #AlertoKaPROBINSYAnihan at tumawag sa emergency hotline 911 o sa La Union Rescue mobile 0998-961-1519 para sa anumang emergency. 📞

Recent Posts