Pagmamahal at Pananampalataya, nangibabaw sa Dawn Watch Prayer

By: Provincial Information Office | Photos By: Provincial Information Office | Date: March 2, 2023


Pasasalamat at papuri para sa Panginoon ang nagsilbing panimula para sa ika-173rd Foundation Anniversary ng La Union na isinagawa sa pamamagitan ng Dawn Watch Prayer. 🙏

Puno ng pagmamahal ang kantahan at dasal na hatid ng mga Kaprobinsiaang nais ipaalala sa lahat ng taga La Union na ang araw na ito ay dala ng matinding pananampalatayang handog sa Maykapal.

Inaanyayahan ni Gov. Raphaelle Veronica "Rafy" Ortega-David at ng Provincial Government of La Union ang lahat ng Kaprobinsiaan na makisama sa pagbubuklod at sa sama-samang #LaUnionPROBINSYAnihan upang maghatid ng pagpapasalamat para sa biyayang dala ngayong anibersaryo ng probinsya. 💜🫰🏻

Recent Posts