Gamitin ang karapatan, BUMOTO para sa kinabukasan!


Bumoto bukas para sa La Union, KaPROBINSYAnihan! ✍️
Gamitin mo nang maayos ang iyong boto at pumili ng lider na magtataguyod ng mahal nating probinsya at bansa. 📄
Huwag matakot na bumoto para sa karapat-dapat na kandidato, ang iyong mga balota ay mananatiling pribado at malayo sa access ng sinuman. Huwag maniwala sa mga tsismis na nagsasabing malalaman nila kung sino ang iyong binoto.
Ang iyong boto ay protektado ng mga opisyal ng halalan. Karapatan mong mapaglingkuran nang tapat at taos-pusong serbisyo at nasa iyo ang desisyon upang maisakatuparan ang tungkuling ito.
Ipakita natin ang ating #LaUnionPROBINSYAnihan at bumoto nang tama at matalino bukas, May 12, 2025!✨

Recent Posts