๐ง๐ฎ๐น๐ฒ๐ป๐๐ผ, ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐ต๐ฎ๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ฏ๐ถ๐ป๐๐ถ๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฝ๐ผ๐ฝ, ๐ง๐ถ๐ธ๐ง๐ผ๐ธ, ๐๐ผ๐๐ฝ๐น๐ฎ๐ ๐ก๐ถ๐ด๐ต๐
By: John Elysar Martin, PIO | Photos By: PIO | Date: December 17, 2022
Bumida ang mga talento at pagkamalikhain ng mga Kaprobinsiaan sa ginanap na Kpop, Tiktok at Cosplay Night sa Provincial Capitol Grounds noong ika-17 ng Disyembre.
Napuno ng saya ang pag-uumpisa ng programa sa ipinakitang comedy act ng mga hosts na sina Adele Diva, Clara Mystica at Amazing Fiona.
Bahagi ng programa ang Kpop dance contest kung saan hindi nagpahuli sa pag-indak at paghataw ang ibaโt-ibang mga grupo sabay sa saliw ng mga Kpop songs.
Ibinida naman sa entablado ng mga teen at adult cosplayers ang kani-kanilang mga makukulay at nakakabighaning mga costumes na hango sa kani-kanilang iniidolong anime characters.
Kinagiliwan at ikinatuwa ng mga manonood ang lahat ng mga magagandang palabas.
Sa Cosplay Adults Category, nakuha ni Mark Rullan ang ikatlong pwesto habang nasa ikalawang pwesto naman si Ruby Jane Balanco at nasungkit ni Ramses Jay Aquino ang unang pwesto. Sa Cosplay Teen Category naman, nasa ikatlong pwesto si Shaw Jucar habang nasungkit naman ni Lawrenz Tacadena ang ikalawang pwesto at nakuha naman ni Margarette Angel Urbiztondo ang unang pwesto.
Sa TikTok Video Contest, nasungkit ni Christopher Adan ang Governorโs Choice habang Most Liked Video at tinanghal rin bilang 1st place si John Kirby Savellano. Nasungkit naman ni Marvin Boncato ng Modern Vibes Elyu ang ikatlong pwesto habang nakuha naman ni Mark Anthony Cortez ang ikalawang pwesto.
Sa Kpop Dance Competition naman, nasungkit ng Pink Secret ang ikatlong pwesto habang nasa ikalawang pwesto naman ang Passion. Nakuha ng Kpop Sneezy ang kampeonato sa nasabing kompetisyon.
Nagtapos ang masayang programa sa isang makulay na Fireworks Display at Snow Show.
Sa ngalan ng #LaUnionPROBINSYAnihan, layunin ng PGLU sa pangunguna ni Gov. Raphaelle Veronica Ortega-David na iparamdam ang Pasko sa mga Kaprobinsiaan sa pamamagitan ng mga ganitong programa na nagpapahalaga sa talento at naghahatid ng pag-asa at ligaya sa bawat isa.
Related Photos:
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU) has completed and turned over three major school infrastructure projects in three municipalities …
The Provincial Government of La Union (PGLU), in partnership with the Department of Agriculture (DA-RFO1), concluded the Provincial Rice Technology …
Rocaporโs Farm is an agri-tourism site in La Union that has a learning institution and uplifts the local community.
In line with the provinceโs hosting of the 2025 Region 1 Athletic Association (R1AA), the Provincial Government of La Union …
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …