๐—•๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ผ๐—ฎ๐—ป ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜€, ๐—”๐—บ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

By: Geraldine B. Salazar-Lucero, PIO | Photos By: PDRRMO | Date: May 2-6, 2022


Ilang buwan matapos maipamahagi ng Provincial Government of La Union, sa pangunguna ni Gov. Francisco Emmanuel "Pacoy" R. Ortega III, ang 36 na Multi-Purpose Vehicles (MVPs) sa mga barangay ng Balaoan, La Union, sumailalim ang 36 na mga Baragay Officials, Health Workers at Tanod sa limang araw na First Aid and Basic Life Support (FA-BLS) and Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Training at Ambulance Operation upang matiyak ang kahandaan at mabilis na pag responde ng mga barangay sa iba't-ibang klase ng emergency situations tulad ng aksidente, pangangailangan pang-medikal o kalamidad gamit ang mga nasabing mga sasakyan.

Pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang nasabing pagsasanay na ginanap noong May 2-6, 2022 sa Balaoan Municipal Annex Building. Sa loob ng limang araw ay nagsanay ang mga taga barangay ng iba't-ibang paraan ng paunang lunas sa iba't-ibang sitwasyon. Sa huling araw ay nagsagawa ang PDRRMO ng simulation o paggaya sa isang aksidente upang alamin kung gaano tumatak at maisasagawa ng mga taga-barangay ang kanilang mga natutunan.

Ayon sa PDRRMO, ang mga ganitong uri ng pagsasanay para sa mga opisyal at miyembro ng barangay ay napakaimportante dahil sa agaran na nilang mabibigyan ng paunang lunas at tulong ang kanilang mga kabarangay na nasa kritikal na sitwasyon.

Malaki din ang pasasalamat ng mga opisyales ng mga barangay maging ng kani-kanilang health workers at tanod sa PDRRMO sa kanilang matiyagang pagtuturo at paggabay sakanila. Dagdag pa nila, ang kanilang mga dagdag na kaalaman sa pag responde sa kritikal na sitwasyon ay napaka halaga lalo pa at malayo sakanila ang mga pagamutan.

Matatandaan na noong Disyembre 6, 2021, mismong si Gov. Pacoy at Rafy Ortega-David ang personal na namahagi ng 36 na MVPs sa Balaoan, La Union kasama sina Mayor Aleli Concepcion at Vice Mayor Carlo Concepcion.

Recent Posts