Weather Update on Typhoon #NikaPH as of November 11, 2024, 8:00 AM


📣 Weather Update on Typhoon #NikaPH as of November 11, 2024, 8:00 AM
Nakataas pa rin ang TCWS No. 2 sa buong lalawigan ng La Union.
Bahagyang lumakas ang bagyo na nasa karagatan na ng Dilasag, Aurora at gumagalaw pa-Kanluran Hilagangkanluran sa bilis na 15 km/h. Inaasahan ang pag-ulan sa susunod na mga oras.
Sa kasalukuyan ay wala pa pong province-wide suspension ng trabaho sa mga opisina ng gobyerno, nakabukas lamang ang Provincial Capitol upang magbigay-serbisyo. Para naman sa ibang opisina, maaaring i-check o i-contact ang kanilang official accounts upang masiguro ang kanilang office schedule.
Manatiling #AlertoKaPROBINSYAnihan at i-monitor ang sitwasyon ng bagyo sa official pages ng Provincial Government of La Union at PAGASA upang makapaghanda sa mga epekto nito. Tumawag lamang sa emergency hotline 911 o sa La Union Rescue mobile 0998-961-1519 para sa anumang emergency. 📞

Recent Posts