๐ฃ๐ฎ๐๐ธ๐ผ ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐๐ผ, ๐๐ถ๐ป๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ผ; ๐ฑ๐ฌ๐ฌ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ฏ๐ถ๐ป๐๐ถ๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ธ๐ผ ๐ฎ๐ ๐ถ๐ฏ๐ฎ'๐ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ
By: Shairalene B. Guerrero, PIO | Photos By: SB Guerrero, RA Buenaventura, EC Bacani, JD Pulido of PIO | Date: November 28, 2022
Napuno ng saya at papremyo ang pagbubukas ng Pasko mula sa Puso ng Provincial Government of La Union (PGLU) sa bayan ng Rosario (RosarioElyu A Happy Town) kahapon, ika-28 ng Nobyembre 2022, kung saan 500 Kaprobinsiaan ang nakatanggap ng maagang pamasko.
Dala ang saya at pag-asa, pinangunahan ni Gov. Rafy Ortega-David ang pamamahagi ng munting regalo sa mga bata at noche buena package sa mga senior citizens, person with disabilities at indigent families.
Gayundin, naghandog rin ang PGLU ng iba't-ibang serbisyo gaya ng libreng medical at dental services, job assistance desk, free legal assistance, real property assistance, financial assistance application, free veterinary services at free seedlings. Katuwang rin ng PGLU ang Pag-Ibig Fund sa nasabing programa.
Ilang mga benepisaryo ang nakisaya at nanalo sa mga raffle draw, mga palaro at pangkabuhayan showcase.
Labis ang saya at pasasalamat ni Kimberly Galinato ng Brgy. Puzon ng nasabing bayan matapos niyang mapanalunan ang isang 50 inches LED TV sa major raffle draw.
"Maraming salamat kay Governor Rafy Ortega-David sa grand prize I'm super blessed at [higit sa lahat] sila na po ang lumalapit dito sa aming municipality of Rosario".
Asahan naman ang pagbisita ng gobernador sa iba't ibang bayan ng La Union sa buong buwan ng Disyembre upang maghatid ng pamasko sa mga Kaprobinsiaan.
Dahil sa pakikiisa ng bawat Kaprobinsiaan sa #LaUnionPROBINSYANihan, hangad ni Gov. Rafy na iparamdam ang diwa ng pag-ibig, saya at pag-asa ngayong kapaskuhan sa probinsya na siyang magiging daan sa pagkamit ng La Union na maging Heart of Agri-Tourism in Northern Luzon by 2025.
Related Photos:
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU) has completed and turned over three major school infrastructure projects in three municipalities …
The Provincial Government of La Union (PGLU), in partnership with the Department of Agriculture (DA-RFO1), concluded the Provincial Rice Technology …
Rocaporโs Farm is an agri-tourism site in La Union that has a learning institution and uplifts the local community.
In line with the provinceโs hosting of the 2025 Region 1 Athletic Association (R1AA), the Provincial Government of La Union …
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …