๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น

By: Geraldine B. Salazar-Lucero, PIO | Photos By: PIO | Date: May 11, 2022


Matapos ang mainit na labanan ng mga ibaโ€™t-ibang partido nitong nakaraang eleksyon, nanaig padin ang pagkakaisa at magandang layunin para sa mga Kaprobinsiaan ng mga magkakatunggali sa posisyon.

Sa isinagawang proklamasyon ng mga bagong halal na opisyal ng lungsod ng San Fernando kahapon, May 11, 2022, dumalo ang incumbent La Union Provincial Governor at mayorial candidate ng nasabing lungsod na si Gov. Francisco Emmanuel โ€œPacoyโ€ R. Ortega III upang ipakita ang kanyang suporta. Kasunod nito ay nagpahiwatig siya ng kanyang pasasalamat sa tiwala ng mga taga-San Fernando na bumoto sa kanya. Nagdeklara din si Gov. Pacoy ng โ€œcease fireโ€ sa pagitan ng mga taga suporta ng magkakaibang partido at hiniling na magkaisa para sa ikabubuti ng bayan.

โ€œWe have to unite. In this time, we cannot afford to be divided, therefore I would like to declare a cease fire. I am asking everyone to respect the will of the people. Let's work together as one city, as one nation,โ€ mensahe ng Gobernador sa publiko.

Sa isang mahigpit na yakap naman tinildukan nila Gov. Pacoy at incumbent Mayor ng lungsod at re-electionist na si Hermenigildo โ€œDongโ€ Gualberto ang kanilang tunggalian sa pagka mayor na naganap sa Courtesy Visit ng nauna sa huli.

Binati ni Gov. Pacoy si Mayor Dong sa kanyang pagkapanalo at ipinahayag ang suporta sa kanyang ika-tatlong termininong pag-upo bilang ama ng siyudad.

โ€œThe only way to move forward and progress as a nation is for us to really come together and start working together for nation-building. Again, congratulations, apo mayor. May God bless you, may God bless the work of your hands for a better San Fernando,โ€ taos-pusong pagbati ni Gov. Pacoy kay Mayor Dong.

Pinasalamatan naman ni Mayor Dong ang Gobernador at sinabing iisa lamang ang kanilang intensyon sa pagtakbo, ang magsilbi sa publiko.
Samantala, pinasalamatan naman ni Governor-elect Raphaela Veronica โ€œRafyโ€ Ortega-David ang kanyang nakatunggali na si Bishop Emmanuel Fonseca matapos ipahayag ng huli sa pamamagitan ng social media post ang kayang pagbati at pagsuporta sa kauna-unahang babaeng Gobernandor ng La Union.

Sa pahayag ng uupong Gobernadora, โ€œNakakatuwa na kahit naging magkatunggali ngayong halalan ay pinangatawanan parin natin ang kahulugan ng "La Union o the union" - tayong lahat ay pinagbuklod para magmahal, magkaisa, at makipagkapwa-tao.โ€

Magkakaiba man ang partido at kulay na sinuportahan ng mga kaprobinsiaan nitong nakaraang eleksyon, hindi mapagkakaila na iisa lamang ang nais nilang makamit, ang kaginhawaan ng taong bayan at ikauunlad ng sambayanan. Gayundin ang nagiisang layunin ng bawat tumakbong kandidato, ang magsilbi sa bayan at makatulong sa pag-angat nito.

Ang Provincial Government of La Union ay hinihikayat ang mga kaprobinsiaan na suportahan ang mga bagong halal na opisyal sa nasyonal at local na posisyon at magkaisa upang makamit ang magandang mithiin para sa bansa at sa probinsya.

Recent Posts