๐—Ÿ๐—ฎ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ-๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ

By: Christine Paulette Navarro, GPC-PDRRMO | Photos By: PDRRMO | Date: April 14, 2022


Sa inaasahang pagdagsa ng mga turista at mga pagtitipon ngayong Semana Santa, pinaigting ang pagtiyak ng kaligtasan ng mga kaprobinsiaan at mga dumarayo sa probinsya. Kasunod nito, handang nakaantabay na ang mga water assets ng probinsya at nakatayo na ang medical stations sa mga dinaragsang baybayin hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay para sa anumang posibleng sakuna sa dagat.

Nagsagawa naman ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng field visitation sa mga Local DRRM Emergency Operation Center ng bawat bayan upang makita ang kanilang kahandaan at magbigay paalala sa pagsunod sa minimum health standards. Inalam din ng team ang mga pangangailangan sa mga bayan upang makapaghanda ng karagdagang tulong kung kinakailangan.

Nagsagawa rin ng Minimum Health Standard Assessment ang team sa mga kilalang tourist spots at establishments dahil nananatili pa ring nasa ilalim ng Alert Level 1 ang probinsya.

Inaasahan na tuloy-tuloy ang pag-iikot ng team sa mga simbahan at coastal areas sa mga susunod na araw upang masiguro na nakaalerto ang komunidad at sumusunod sa mga protocols ang publiko.

Habang sinisiguro ang kaligtasan sa kuwaresma, handa pa rin ang PDRRMO sa anumang emergency sa probinsya katulad ng mga vehicular accidents o medical emergency. Agad na itawag ang inyong emergency sa 911 o sa 0998-961-1519.

Ipinapaalala ni Gov. Francisco Emmanuel "Pacoy" R. Ortega III na ang kaligtasan ng bawat mamamayan pa rin ang pangunahing pinapangalagaan sa probinsya habang nakahanda naman ang Provincial Government of La Union na magbigay ng kinakailangang augmentation sa mga local government units.

Recent Posts