๐๐ผ๐. ๐ฅ๐ฎ๐ณ๐ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ; ๐๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐ป๐ผ๐ ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ป๐ถ๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฆ๐๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฎ
By: Geraldine Salazar-Lucero, PIO | Photos By: PIO | Date: December 23, 2022
Malulutong na hagikgik at tawanan ng mga bata ang bumalot sa paligid ng kapitolyo noong December 23, 2022 nang ganapin ang Pasko sa Kapitolyo Christmas Presentation na may temang Fiestang Pinoy hatid ng Resilient Communities Sector ng Provincial Government of La Union (PGLU).
Kinagiliwan ng lahat ang performance ng PGLU Child Development Choir na napakacute sa kanilang christmas elf costume.
Game na game ding nakilahok ang mga Kaprobinsiaan sa mga palarong pinoy na inihanda sa gabing iyon. Inabangan din ng mga manonood ang Magic Show at mga nakakatawang presentasyon ng mga clown.
Naging mas makabuluhan ang nasabing programa nang dumating si Gov. Raphaelle Veronica "Rafy" Ortega-David na nagbigay ng maikling mensahe sa mga Kaprobinsiaang manonood. Kasunod nito ang pamamahagi ng mga laruan na hatid ng Toy Kingdom sa mga batang naki saya sa gabing iyon.
Nagtapos ang masayang programa sa isang makulay na Fireworks Display at Snow Show.
Sa ngalan ng #LaUnionPROBINSYAnihan, layunin ng PGLU, sa pangunguna ni Gov. Rafy, na isulong at ipreserba ang mga larong pinoy at iba pang tradisyon na kinalakihan ng karamihan, ganun din ang ipadama sa mga bata sa La Union ang saya na dulot ng kapaskuhan na magbibigay sakanila ng mga magagandang alaalang kanilang babaunin hanggang sa kanilang paglaki.
Related Photos:
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU) has completed and turned over three major school infrastructure projects in three municipalities …
The Provincial Government of La Union (PGLU), in partnership with the Department of Agriculture (DA-RFO1), concluded the Provincial Rice Technology …
Rocaporโs Farm is an agri-tourism site in La Union that has a learning institution and uplifts the local community.
In line with the provinceโs hosting of the 2025 Region 1 Athletic Association (R1AA), the Provincial Government of La Union …
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …