##AlertoKaprobinsiaan sa PGLU; Nakiisa sa National Simultaneous Earthquake Drill

By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: Provincial Information Office | Date: March 9, 2023


Patuloy ang pagsigurong handa ang Provincial Government of La Union (PGLU) sa anumang panganib dala ng lindol sa pamamagitan aktibong pakikiisa ng Kapitolyo sa itinakdang First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw, ika-9 ng Marso, 2023.

625 katao ang nakibahagi sa drill sa ganap na alas dos ng hapon. Isinagawa ang duck, cover and hold at simulation ng pagadminister ng First Aid.

Kasama ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na nagsilbing mga evaluators ang mga kinatawan ng Office of the Civil Defense at Philippine National Police. Nagbigay sila ng mga suhestyon para sa mas maayos na pagsasagawa ng earthquake drill. Pasado naman ang naging marka ng PGLU. Samantala, ilang mga empleyado ng PDRRMO ang nadeploy na NSED evaluators sa La Union Police Provincial Office.

Patuloy ang pakikiisa ng PGLU sa mga programa ng National Government para sa pagpapanatili ng #AlertoKaprobinsiaan.

Related Photos:

Recent Posts