Mga Buntis sa Naguilian LU abot-abot ang Ngiti sa Toothousand Program

By: Angelica C. Real, GPC-PIO | Photos By: GPC-NDH | Date: February 7, 2023


Confidently beautiful with a healthy smile ang 19 na mga buntis mula sa Nagulian, La Union nang sumailalim sila sa dental check-up noong February 7, 2023 na libreng inihatid ng Nagulian District Hospital at ng Ilocos Training Regional and Medical Center (ITRMC) Dental Section sa pamamagitan ng โ€œToothousand Programโ€.

Ang Toothousand Program na sadyang nakalaan para sa mga kababaihang nagdadalang-tao ay inilunsad pagkatapos ang nangyaring Memorandum of Agreement sa pagitan ng NDH at ITRMC. Ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-19 na National Dental Health Month.

Ayon sa mga pagaaral, ang mga ngipin ng mga kababaihan ay nagiging mas marupok tuwing sila ay nagdadalang tao dahil sa mataas na hormones sa kanilang katawan, kaya naman napakagandang pagkakataon na mabigyan sila ng libreng dental check up upang maiwaan ang kanilang mga pangamba pagdating sa kanilang oral health.

Maliban sa dental check up, sumailalim din ang mga buntis na Naguilianon sa basic Oral Health Lecture at nakatanggap din sila ng mga dental kits.

Naging bahagi ng makabuluhang progama sina Dr. Cherrymae Belarmino, OB GYN ng NDH; Dr. Caroll Fe Caluza, Dentist II ng NDH; Dr. Edgar Gerome G. Dumo Dentist III ng ITRMC; Dr. Kristiane Joseph L. Orencia Dentist II ng ITRMC; at Dr. Jeanne Marie Ciรฑo-Martinez Dentist II ng ITRMC.

Ang NDH ay nananatiling kaisa ni Gov. Raphaelle Veronica โ€œRafyโ€ Ortega-David sa kanyang mga adbokasiya lalo na sa kanyang hangaring mapalapit ang mga serbisyo ng Provincial Government sa mga kaprobinsiaan.

Related Photos:

Recent Posts