Kaalaman sa Probinsya, Pagpapayabong sa Pagbasa Ibinida sa La Union BASAnihan

By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: Provincial Information Office | Date: March 15, 2023


Nagpakita ng #LaUnionPROBINSYAnihan ang mga opisyal ng probinsya ng La Union, mga alkalde, mga kinatawan ng Department of Education La Union Schools Division Office (DepED-LUSDO), Provincial School Board, at mga Department Heads at manggagawa sa Provincial Government of La Union (PGLU) upang maghandog ng isang kapanapanabik na aktibidad sa mga paaralan, ang La Union Basanihan ngayong araw, Marso 15, 2023 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ayat Fest 2023 The 173rd La Union Founding Anniversary.

Ang sabayang pagbasa o BASAnihan ay nagsilbing suporta ng PGLU sa programa sa pagbasa ng DepED-LUSDO sa tulong ng Provincial School Board upang mapalawig pa ang tatas at pang-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa La Union. Bukod dito ay makakatulong din ito upang mapagyaman ang pagkakakilanlan ng La Union alinsunod sa Iloko Code.

Halos 3,000 na mag-aaral ng ika-apat na baitang sa 20 na piling mga paaralan ng La Union ang aktibong nakibahagi sa BASAnihan. Ang โ€˜ABCs of the La Union Historyโ€™ ang nagsilbing reading material sa aktibidad kung saan mayroong 25 na kaalaman ukol sa kasaysayan ng La Union ang natutunan ng mga mag-aaral.

โ€œNag-enjoy ko po kami sa pagbabasa tapos may natutunan po sa history ng La Unionโ€ฆmas interesting po kasi hindi naging boring at nakakaantok yung pagbabasa, sana may susunod pang BASAnihan,โ€ pagbabahagi ni Seanelle Briana Lychee W. Niro, isa sa mga mag-aaral na nakibahagi sa programa.

Inanyayahan naman ni Gov. Raphaelle Veronica โ€œRafyโ€ Ortega-David ang lahat na makibahagi sa PROBINSYAnihan para magdala ng tuluy tuloy na pagmamahal at saya sa pagbabasa sa mga bata. Pagpapatuloy nito, โ€œThis program is another testament of our joint effort to improve literacy through combined efforts of the government and the academe.โ€

Ang PGLU ay patuloy na magsisilbing kaagapay ng Kagawaran ng Edukasyon para sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at antas ng kaalaman sa buong probinsya.

Related Photos:

Recent Posts