Ika-64 Public Library Day Ginunita, Kaalaman sa La Union Patuloy na Pinagtitibay

By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: Provincial Information Office and Rowell B. Timoteo, GPC-PESO | Date: March 9, 2023


Bilang paggunita sa ika-64 na Public Library Day noong ika-9 ng Marso 2023, naghandog ang Provincial Government of La Union sa pamamagitan ng Provincial Library ng 39 na aklat at pitong serials sa Diocesan Seminary of the Heart of Jesus, City of San Fernando, La Union.

Nagsagawa rin ng library orientation, pagpapalawig ng digital literacy, at gift giving program para sa Persons Deprived of Liberty sa Agoo District Jail, Agoo, La Union na dinaluhan ni Board Member Cynthia Angelica M. Bacurnay.

Upang mapalawig ang paggamit ng STARBOOKS or Library in a Box na nagbibigay ng dekalidad, abot kamay at mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng digitized science and technology resources, nagsagawa naman ng online at offline registration para sa mga kliyente ng aklatan upang magamit ang nasabing resource platform. Maaalalang nilagdaan nina Gov. Raphaelle Veronica "Rafy" Ortega-David at Department of Science and Technology Regional Director Armando Ganal ang Memorandum of Agreement para sa STARBOOKS kung saan inihayag ng Gobernadora, "...this speaks of our collaboration for the continued bolstering of knowledge and learning in our beloved La Union." Sa kasalukuyan ay lubusan nang nagagamit ito ng mga kaprobinsiaan.

Related Photos:

Recent Posts