Sindi ng Pagkakaisa: LU Nagningning sa 2026 AIDS Candlelight Memorial
By: PGLU-PHO | Photos By: PGLU-MAO | Date: May 30, 2026

Nakiisa ang Provincial Health Office ng La Union at ang Bayan ng Bacnotan sa paggunita ng International AIDS Candlelight Memorial 2026 noong ika-22 ng Mayo 2026 sa ilalim ng temang “Light the Legacy. Remember. Advance. Act. Keeping the Light Alive,”. Nagtipon ang mga healthworkers, officials, at community advocates upang bigyang-pugay ang mga buhay na nawala dahil sa naturang sakit, habang isinusulong ang malasakit at agarang aksyon laban sa diskriminasyon sa mga may Human Immunodeficiency Virus (HIV).
Tampok sa seremonya ang mga mensahe mula sa pamunuan, mga talakayan para sa pagpapalawak ng kaalaman, at isang "Mensahe ng Pag-asa." Nagtapos ang programa sa isang seremonya ng pagsisindi ng kandila, na sumisimbolo sa patuloy na comitment ng lalawigan sa pag-iwas at paggamot sa HIV, gayundin sa walang-bawas na pagsuporta sa komunidad ng mga PLHIV (People Living with HIV).
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, muling pinatunayan ng probinsya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan upang tuluyang mapuksa ang sakit. Sa bawat sindi ng kandila, bitbit ng bawat dumalo ang pangako na maging boses ng pag-asa at katuwang sa pagbuo ng isang komunidad na may ligtas na kalusugan, malaya sa stigma, at puno ng pagmamahal para sa lahat.
Related Photos:




























