Isolation sa La Union Patuloy Na Pinapaigting

By: Camille R. Bumatay, PIO | Photo By: PIO and PDRRMO | Date: April 7, 2021


Bilang tugon sa pangangilangan ng karagdagang isolation facilities para sa mga nagpositibo sa CoViD-19, itinayo ng Provincial Government of La Union ang limang inflatable tents na may kasamang aircon, cot beds at modular tents sa mga bayan ng La Union na may matataas na naitalang apektado ng virus.

Binuo ang isang inflatable tent sa Bayan ng Luna noong Abril 4; dalawang tents sa Tubao noong Abril 5; at dalawang tents sa San Gabriel noong Abril 6. Ang bawat tent at makakapag-isolate ng walong tao.

Sa report ng mga CoViD-19 cases noong Abril 6, 2021, mayroong 90 active cases sa Luna, 80 sa Tubao, at 80 din sa San Gabriel. Ang pangangailangan ng karagdagang Isolation Facilities ay naitalang isa sa mga kailangang tulong ng mga munisipalidad mula sa kanilang needs assessment.

Inaasahang magkakaroon din ng katulad na pasilidad sa iba pang bayan na nangangailangan nito sa mga susunod na araw. Patuloy ang pagsiguro ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union na natutugunan ang mga agarang pangangailangan ng mga component local government units nito sa laban kontra CoViD-19.

Recent Posts